36
traslacion-2018
Jan 10, 2018 @ 10:59
By

Traslacion 2018, generally peaceful – PNP

Mapayapa sa kabuuan ang isinagawang traslacion ng poong itim na Nazareno, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas, ito ay  sa kabila ng naitalang mahigit isang libong debotong nasugatan, tumaas ang blood pressure at mga nahilo sa prusisyon.
Ang traslacion ay nagtagal ng 22 oras na nagsimula alas-singko ng umaga noong January 9 hanggang alas-tres ng madaling araw kanina January 10.
Nakapagtala ang Manila Police District ng 6.3 milyong deboto na nakiisa sa traslacion ng poong Itim na Nazareno.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?