618

By

Trash talk mula sa GOAT! Harden, Westbrook walang panama sa record ko! – Jordan

Kung si Michael Jordan ang tatanungin, mas mahirap makakuha ng anim na championship kaysa sa mga bagong record na nasungkit nina James Harden at Russell Westbrook.

Nang maitanong kay Jordan kung ano sa dalawa ang mas impresibo, ang 30 straight 30-point game ni Harden o ang 10 straight triple-double ni Westbrook, ito ang kanyang naging tugon.

“Which is harder from the player’s standpoint? Six championships by all means,” saad ni Jordan.

Sa kabila ng ‘trash talk’, kanyang pinuri ang dalawa sa nakamit na accomplishment sa liga.

“I am very proud of how both guys have done because they are making a mark for the league and I think it really helps grow the league,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?