365

Dec 19, 2017 @ 19:08

Trapik sa SLEX bumigat dahil sa aksidente ng trailer truck, pick-up truck

Lumikha na matinding pagsisikip ng trapiko sa South Luzon Expressway (SLEX) kasunod nang naganap na aksidente sa 16-wheeler trailer truck at pick-up truck nitong Martes ng hapon.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente sa Southbound lane ng SLEX dakong alas-1:30 ng hapon.

Dahil sa pagtagilid ng mga sasakyan, nagkaroon ng total lock down sa south bound ng Southwoods exit, Laguna.

Agad namang nagbukas ang SLEX na counterflow lane para makadaan ang mga motoristang naabala ng aksidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?