72

Dec 4, 2017 @ 17:16
By

Trapik sa Metro Manila lalala pa sa 2022 – Uber

Nagsasagawa ng masusing pag-aaral hinggil sa kondisyon ng trapik sa Metro Manila.

Base sa pag-aaral na kinomisyon ng transport network company na Uber, posible na pagsapit ng taon 2022 ay halos nakahinto na lang ang mga sasakyan sa mga lansangan.

Ang pinagbasehan ng konklusyon ay pagdami ng mga sasakyan sa mga kalsada.

Nabatid na sa nabanggit na taon ay posible na hindi na hihigit sa 10 kilometro kada oras ang itatakbo ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.

Sinabi rin sa pag aaral na hindi makakasapat ang mga ginagawang imprastraktura para sa mabilis na pagdami ng mga sasakyan.

Nabanggit naman sa pag-aaral na isa sa maaring solusyon dito ay ‘car pooling.’ (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?