441

Dec 1, 2017 @ 11:31
By

Trapik sa Metro Manila, ikatlong pinakamalala sa Southeast Asia

Lagpas pa sa isang oras ang binubuno ng mga commuters at motorist sa kalye sa Metro Manila kada araw dahilan para mailagay ang ang capital ng Pilipinas bilang ikatlo sa pinakamalala ang trapik sa Southeast Asia.

Ito ay batay sa ginawang pag-aaral na pinamagtang “Unlocking Cities,” na isinagawa ng global firm na Boston Consulting Group (BCG).

Ang pag-aaral na may kasamang survey ay isanagawa mula Setyembre hanggang Oktubre na may 300 respondents mula sa lungsod sa Southeast Asia.

Sa nasabing survey, pumangatlo ang Metro Manila sa rehiyon, na may average na 66 minuto na paghimpil sa trapik kada araw.

Nauna sa survey ang Bangkok, Thailand na may pinakamalalang 72 minuto bawat araw at pumangalawa ang Jakarta, Indonesia na 68 minuto.

Malayo ito sa Singapore na 30 minuto lamang ang ginugugol sa trapik habang 35 minuto naman as Hong Kong.

Bukod sa 66 minutong pagbuno sa trapik, umabot naman sa 24 minunto ang ginugugol ng driver sa paghanap ng parking. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?