175

Oct 17, 2019 @ 14:53
By

Trapik malala na! Habal-habal gawing legal – Angara

Palala nang palala na umano ang trapiko sa Metro Manila at sumasablay pa ang mass transit system kaya walang ‘choice’ ang publiko kundi sumakay sa motorcycles-for-hire o ‘habal-habal’.

Subalit, ayon kay Senador Sonny Angara, kinokonsidera itong iligal sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code (LTTC), na siyang may kontrol sa registration at operation ng lahat ng motor vehicle sa bansa.

Sa ngayon ay pinapayagan ng Land Transportation ang Angkas na mag-operate sa loob lamang ng anim na buwan, simula noong Hunyo 8, bilang bahagi ng ‘pilot-run’ ng ‘motorcycle taxis.’

Sa ilalim ng Republic Act 4136 o LTTC, pinapayagan lang ang pagpaparehistro ng motorsiklo bilang gamit pampribado at pang-gobyerno subalit ipinagbabawal ito bilang ‘vehicle for hire’.

“However, individuals and even unaccredited transport groups, continue to utilize motorcycles for public transport despite explicit prohibition of such operation under the same law,” ayon kay Angara.

Subalit pangkaraniwan na umanong ginagamit ang habal-habal sa maraming lalawigan sa bansa at kinukonsidera itong pangunahing uri ng kanilang tranportasyon lalo na sa rural na lugar.

Kaya naman isinusulong ni Angara na na gawing legal na ang operasyon nito sa buong bansa.

“The demand for this service simply cannot be ignored, which is why I have filed a bill seeking to legalize the operation of motorcycles-for-hire,” ani Angara.

Sa Senate Bill 1025, nais ni Angara na amiyendahan ang LTTC para payagan ang mga motorsiklo na magparehistro sa LTO at gamitin bilang commercial vehicle ng mga pasahero at pang-transport ng mga kalakal.

Para makapagparehistro, kailangang 125 cubic centimeter (cc) ang minimum na engine displacement at backbone-type built nito.

“The LTO will be tasked to ensure the roadworthiness of motorcycles-for-hire before they are registered,” sabi sa panukala ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?