39

Oct 16, 2017 @ 13:58

Transport strike, walang konek sa destabilisasyon – Zarate

Tinawag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malisyoso ang bintang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na parte ang transport strike ng PISTON ng umano’y destabilisasyon laban sa administrasyon.

Pagtatanggol ni Zarate sa grupo, ipinaglalaban lamang ng mga ito ang kanilang kabuhayan lalo’t hindi naman tinutugunan ng gobyerno ang panawagan ng sektor ng transportasyon.

“Bawal na bang ipaglaban ang kanilang hanapbuhay o magprotesta ang mga tsuper at operator laban sa martial law? Bawal na bang tutulan ang phase-out ng mga jeep at pagtaas ng presyo ng langis?,” tanong ni Zarate.

Dagdag pa ng kongresista, kung lahat na lang ng kilos-protesta ay iuugnay sa destabilisasyon, pinatutunayan lamang ng administrasyon ang pagsiil sa karapatan ng mga tao.

“If all protest actions are to be tagged as part of a destabilization plot, imagined or otherwise, then this administration is really trying to clamp down on the exercise of the people’s right to assembly and freedom of expression,” pahayag ni Zarate. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?