83

Oct 16, 2017 @ 17:35

Transport strike, wa epek sa Maynila – Erap

Nabigo umanong iparalisa ang public transportation sa Maynila kasunod nang isinagawang natiowide transport strike, ayon kay Manila Mayor “Erap” Estrada.

Batay sa ulat mula Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), sinabi ni Estrada na hindi ito masyadong naramdaman sa lungsod ang mga protest rallies na pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o PISTON.

“It appears only a few protesters held rallies here and fortunately, there were no reports of passengers getting stranded during the morning rush hours,” sabi ng Manila mayor“

Gayunman, inatasan pa rin ni Estrda ang MPD-TEU and the Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na i-monitor pa rin ang sitwasyon para matiyak ang kaligtas at convenience ng mga mananakay at motorista.

Ayon kay MPD-TEU officer-in-charge Chief Insp. Alejandro Pelias, ilang daang miyembro ng PISTON ang nagsagawa ng protesta sa kanto ng Vicente Cruz a Espana Avenue alas-8:00 ng umaga at natapos ito ng dalawang oras.

“There have been no untoward incidents within Manila as per report of MPD-TEU elements,” sabi Pelias.

May 40 protesters naman ang nag-rally sa Anda Circle sa Port Area at 20 naman sa Pure Gold Sta.

Dalawang 6 x 6 trucks ang nakaantabay sa Quirino Grandstand para sa libreng sakay para sa mga na-stranded na mga pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?