59

Oct 16, 2017 @ 20:40

Transport strike tagumpay – Jeepney group

Itinuturing ng samahan ng mga jeepney operator at driver na matagumpay ang maghapon nilang transport strike noong Lunes.

Ayon kay Chodi Permejo, presidente ng MASPIJODA O Muntinlupa-Alabang-Pasay Integated Jeepney Operator and Drivers Association, na naparalisa nila ang 100 percent ng byahe sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng kanilang transport strike, naiparating din umabo nila ang apela sa Pangulo na pigilan ang pagpapa-phase out sa mga lumang pampasaherong jeepney.

Humingi naman ang grupo ng paumanhin sa mga naapektuhang commuters dahil kailangan daw nilang ipaglaban ang kanilang kabuhayan.

Alas-sais ng gabi, bumiyahe na ang mga pampasaherong jeepney.

Uulitin ang transport strike sa Martes, 1:00 ng madaling araw. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?