58

By

Transport strike sa Lunes pinakakansela ng LTFRB

Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na kanselahin nito ang transport strike na nakatakdang maganap sa Lunes (July 15).

Una nang sinabi ng ACTO na magsasama-sama ang mga miyembro nito sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City dakong alas-8:00 ng umaga ng Lunes, at didiretso sa LTFRB office.

Magproprotesta umano ang mga ito laban sa ilang guidelines sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan, ayon sa report ng Inquirer.net.

Sa statement ng LTFRB nitong Linggo (July 14), ang planong transport strike umano ay maaaring maging ‘disruptive’ at ‘disservice’ sa communiting public.

Sinabi pa ng LTFRB na ang ilang major transport groups tulad ng Pasang Masda at ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines ay hindi umano sasama sa naturang strike.

Mandato ng PUV modernization program na i-phase out ang mga jeepney at mga bus na 15-anyos o mas matanda pa at papalitan ito ng non-Euro-4 compliant engines na mayroong bagong modelong prescribed ng pamahalaan.

Samantala naantala ang naturang programa dahil sa ilang isyu sa pagiimplementa nito kabilang na ang malaking halagang kailangan upang mapalitan ang mga lumang PUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?