Transport strike, ikakasa sa Lunes – Piston

Sharing is caring!

Magsasagawa muli ng tigil-pasada ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Lunes, Marso 19, bilang protesta sa jeepney modernization ng pamahalaan.

Ayon kay George San Mateo, National President ng Piston, plantsado na ang gaganapin na protesta sa Anda Circle sa Maynila, Cubao at Novaliches sa Quezon City, Monumento, Caloocan at Alabang, Muntinlupa.

Lalahok din sa tigil-pasada ang mga tsuper at operator sa Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.

Iginiit ni San Mateo na hindi titigil ang kanilang grupo sa pagdaraos ng kilos protesta hanggat hindi isinasantabi ng gobyerno ang planong modernisasyon.

Ipinagtataka ni San Mateo kung paano ipatutupad ang modernization gayung kapos naman umano ang pondo ng pamahalaan para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?