25

By

Transport modernization ‘di na mapipigilan – Palasyo

Sharing is caring!

Inaasahang tuloy-tuloy na ang implementasyon ng jeep modernization sa Enero ng susunod na taon.

Sa kabila ito ng kinanselang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala nang alternatibo kundi palitan ang mga kakarag-karag na mga jeep sa kalsada dahil nagiging banta na ang mga ito sa kalusugan ng publiko.

Pero sinabi ni Roque na ang kailangan ng mga commuter ay modernong mass transport system at isali na rin ang Metro Rail Transit (MRT) System at mga lumang bus.

Mas mainam aniya na makipag-usap ang grupo sa halip na perwisyuhin ang mga mananakay dahil hindi naman ang gobyerno ang mapipinsala nila sa tigil-pasada.

“Wala na tayong alternatibo, kinakailangan magkaroon na tayo ng modernong mass transport system, ke MRT, ke jeepney, ke bus eh lahat po iyan ay dapat magkaroon na ng modernisasyon,” ang pahayag ni Roque.

Nakiusap ang kalihim na dapat maghinay-hinay ang grupong PISTON dahil hindi naman dapat magkaroon ng sigalot dahil ang nais lamang ng gobyerno ay magkaroon ng mas maayos na sasakyan ang mga commuter. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?