50

Feb 27, 2021 @ 9:19
By

Transport leader Efren de Luna pumanaw na

Pumanaw na si Alliance of Concerned Transport Organizations president Efren de Luna matapos atakihin sa puso nito lamang Biyernes ayon sa kanyang kapatid.

“Inatake po siya sa puso noong Friday ng madaling araw,” ani Alma Consuelo de Luna sa panayam ng Dobol B TV.

Anang kanyang mga kaanak, hindi nila inaasahan ang biglaang pagpanaw ng 67-anyos na lider.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakaburol si Efren sa Samson Funeral Homes sa Bacoor, Cavite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?