66

Oct 13, 2017 @ 17:44

Transport holiday ng PISTON, boboykotin

Hindi sasama ang grupong Stop and Go Coalition sa ikinasang transport holiday ng grupong  Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON sa Lunes.

Ayon kay  STOP and Go Coalition National President Jun Magno, ito ay dahil may nakabinbing pag-uusap sa pagitan ng kanilang hanay at ng Department of Transportation o DOTr.

Paliwanag ni Magno, bagaman suportado nila ang ipinaglalaban ng PISTON ay Hindi na muna sila makikilahok sa dalawang  na pagkilos ng mga ito sa Lunes at Martes.

Umaasa naman si Magno na magbubunga ng “win-win” solution ang nakabinbing mungkahi nila sa gobyerno hinggil sa isyu ng Jeepney Phase-out.

Muli nitong igniit na hindi sila sang-ayon sa panukala ng pamahalan sa pamamagitan ng DOTr na palitan na ng mga modernisadong jeepeny ang mga lumang Jeep na may 15 taon pataas ang tanda.
Iyan ay bagaman pauutangin umano sila ng gobyerno bilang pampuhunan.

Sa Lunes, Oktubre a-16 at Martes Oktubre 17 ay maglulunsad ng malawakang transport holiday ang PISTON bilang pagpapakita  ng kanilang pagtutol sa modernization program sa jeepney. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?