54

Dec 27, 2017 @ 13:46
By

Transparent war on drugs, iginiit sa Malacañang

Welcome sa Kamara ang pahayag ng Malacañang na gagawing mas maayos ang kampanya kontra iligal na droga sa susunod na taon

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, kailangan lamang na maging transparent ang war on drugs para makuha ang suporta ng lahat.

Katuwiran nito, wala namang may ayaw na maresolba ang problema sa illegal drugs sa bansa.

Pero ang isyu aniya ay ang paraan ng kampanya dahil sa laganap na patayan.

Base sa year-end report ng gobyerno, umabot sa mahigit isang milyong drug suspects ang naaresto ng mga otoridad mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hulyo 26, 2017.

Bukod dito’y merong mahigit anim na libong kaso ng homicide ang iniimbestigahan.

Sabi ni Alejano, kapuri-puri sana ang numerong ito kung walang kakabit na paglabag sa due process at human rights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?