208

Jan 9, 2019 @ 16:29
By

Transparency sa coral reef rehab ng China, iginiit ni Alejano

Pinababantayan ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano sa gobyerno ang coral reef rehabilitation project ng China sa South China Sea.

Ayon kay Alejano, bagama’t kahanga-hanga ang intensiyon ng China na ayusin ang winasak nitong coral reefs, hindi dapat maging kampante lang ang pamahalaan.

“The intention of China to rehabilitate the coral reefs it massively destroyed is laudable, but let us not forget that there is an existing territorial conflict. Dapat makialam ang gobyerno natin sa proyektong ito dahil isa tayo sa claimants ng mga teritoryo sa South China Sea. This rehab project could be just one of the many ways of China’s occupation,” ani Alejano.

Kahapon ay inanunsyo ng China na magsasagawa ito ng environmental rehabilitation para sa nawasak na coral ecosystem sa pinag-aagawang territory.

Mula 2013 hanggang 2016, ang reclamation at construction ng China ng artificial islands ang dahilan nang malawakang pagkasira ng corals sa Spratlys.

Iginiit ni Alejano na dapat may access rin ang ibang claimants sa proseso ng rehabilitasyon ng coral reefs at hindi China lang.

“To unilaterally rehabilitate them denies the other parties, such as the Philippines, of the right to cooperate. After all, environmental conservation is not only a unilateral concern, but a multi-party one. The unilateral actions of China show a clear disrespect to the Philippines as claimant of the territory,” diin ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?