17

Aug 5, 2021 @ 16:10
By

Transgender tegi sa saksak ng kelot

Arestado ang isang lalaki sa Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan matapos umano nitong pagsasaksakin ang isang transgender woman noong Martes.

Ayon sa ulat ng pulis, dumating sa kanilang tanggapan ang isang concerned citizen matapos raw itong makarinig ng nag-aaway sa loob ng salon ng biktima na si Cindy Jones Torres, 39-anyos.

Hindi raw makapasok ang nagsumbong sa salon dahil naka-lock ito, dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Ngunit pagdating ng mga awtoridad sa lugar at pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanila ang katawan ni Torres na binawian na ng buhay dahil sa dami ng saksak.

Agad namang nahuli ang suspek, na sinabing tinangka siyang halayin ng transgender kaya nagawa niya ang krimen.

Sa kabilang dako, hindi naniniwala ang mga kamag-anak ng biktima sa testimonya ng suspek. Anila, madalas manghiram ng pera ang salarin at mukhang ito ang dahilan ng away.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?