63

May 20, 2020 @ 15:15
By

Transaction fee ng Meralco nasilip ng DOE

Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang Meralco kaugnay sa paniningil ng transaction fee.

Nais malaman ng DOE kung bakit sinisingil pa ang mga kustomer ng P47 kapag nagbabayad ng kanilang bill sa Meralco Online.

“It has come to our attention that Meralco has launched an app to handle monthly billing payments by your customers,” saad ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa isang sulat noong Mayo 14 kay Meralco president Ray Espinosa.

Ani Cusi, nakatanggap sila ng mga ulat na inoobliga ng Meralco ang mga kustomer nito na magbayad ng bill sa Meralco app kung saan may transaction fee na P47.

Paliwanag naman ni Meralco senior vice president William Pamintuan sa ulat ng Inquirer, boluntaryo lang ang pagbabayad ng kustomer sa pamamagitan ng Meralco Online.

Maliban aniya sa mga over-the-counter payment sa mga Meralco business center at iba’t ibang Bayad Center, maaaring magbayad ang kustomer ng kanilang bill online sa website at mobile app ng kanilang mga partner bank.

Dagdag niya, opsyon lang ang Meralco Online na binuksan para sa hinaing ng mga kustomer nila na magkaroon ng 24/7 payment option.

Hindi rin daw napupunta sa kaban ng Meralco ang P47 fee at ang nagpapataw nito’y mga online payment services provider sa mga gumagamit ng kanilang platform o system para mag-transact ng online payment.

“Apparently, your offices are justifying that you do not need to go through the government because this fee collection does not go to Meralco—that it goes to your app service provider,” saad naman ni Cusi.

“ln this regard, we would like your company to explain to us immediately the rationale of your new payment scheme and confirm if the above information is correct and approved by management. Likewise, we would like to question your intentions on this and your decision to time the introduction of this new process during this pandemic,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?