18

Jan 26, 2021 @ 15:20

Trak sumalpok sa tricycle, 4 todas

Patay ang apat na katao matapos sumalpok ang isang pick-up truck sa tricycle sa Santa Ignacia, Tarlac.

Kinilala ang mga nasawi na sila Mark Emilio Claudio, 2-anyos; Caster Jas Claudio, 5-anyos; Cristal Jia Dizon, 22-anyos; at Adela Canilang, 47-anyos.

Ayon sa lolo ng 2-anyos na bata, isinugod pa niya ang kanyang apo sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.

“Hindi ko po alam kung hanggang kailan kami makaka-recover sa ganitong nangyari sa amin. Hindi po namin alam kung hanggang kailan, kung gaano kahirap,” wika ni Analayn Claudio na ina ng dalawang nasawing bata.

“[M]asakit na masakit. Parang nawalan na po kami ng pag-asa,” dagdag pa niya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatulog umano ang drayber ng trak kaya ito sumalpok sa tricycle.

“Pagdating po roon sa mismong crime scene, allegedly gumewang-gewang na itong pickup. Doon naman sa statement niya, nakaidlip daw yata or [nasilaw] sa liwanag ng araw, sabi naman ng driver ng pickup,” ani Police Executive Master Sergeant Randy Ramos ng Sta. Ignacia Police Station.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang drayber ng trak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?