14

Nov 25, 2021 @ 15:59
By

Trak sumadsad sa bangin; 15 nailigtas

Nakaiwas kay kamatayan ang 15 katao na sakay ng isang dump truck matapos itong mahulog sa isang 10 metrong bangin sa Tabuk City, Kalinga noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, galing ng Barangay San Pascual sa bayan ng Rizal ang trak at papunta sanang Tabuk City nang mangyari ang aksidente.

Kwento ng tsuper na si Noriel Aragon, 34-anyos, nawalan siya ng kontrol sa trak kaya’t nagpagewang-gewang ito sa kalsada bago dumiretso sa bangin.

Sa kabutihang-palad, walang nasawi sa lahat ng sakay ng trak bagamat may ilang nasugatan na dinala sa pagamutan. (mjd)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?