20
ABANTE Philippine Sports Commission william butch ramirez
Jan 13, 2022 @ 16:48
By

Training para sa SEA Games napurnada

Maging ang pagsasanay ng ilang atleta para sa darating na Southeast Asian Games ay naabala ng pagsirit ng mga kaso ng COVID.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez, bagamat sa Mayo na ang SEA Games ay hindi pa rin pwedeng isugal ang kalusugan ng mga atleta.

“We will not risk lives,” wika ni Ramirez sa PSA Forum. “I know the coaches are worried at the athletes kasi kung matutuloy man sa May… February, March, April halos tatlong buwan (training). Pero reality ‘yun, you have to live with it.

“Mga February, kung maaawa ang Diyos na peak na ‘yung 33,000 or 40, bumaba ‘yan, baka February magbago ang IATF (Inter-Agency Task Force) ng alert level, edi resume tayo ng training,” dagdag pa ni Ramirez.

“I’m not announcing a specific date, but most probably we can resume training by February if IATF declares that according, also, to the situation. We will pray na bumaba ‘yung COVID-19 infections.”

Karamihan sa mga naantala ang training ay ang mga atleta na nagsasanay sa Metro Manila.

Sa kabilang dako, papayagan pa ring magsanay ang mga atleta na nasa bubble at ang mga nagte-training sa ibang probinsya sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Ang 31st SEA Games ay gaganapin sa Vietnam. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?