By

Training ni Pacquiao, maayos ang takbo

Sharing is caring!

Nabakante man ng halos isang taon, walang nakikitang problema ang kampo ni Manny Pacquiao sa isinasagawang training ng ‘Pambansang Kamao’.

Sa pagpapatuloy ng ensayo nito sa General Santos City para sa laban kontra Argentine WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia, walang nakikitang kalawang si head trainer Buboy Fernandez maging ang conditioning coach na si Nonoy Neri.

“Maganda yung nakita ko. Alam naman natin si Manny kapag sumabak sa training seryoso talaga iyan,” kwento ni Buboy.

Sa panig ni Neri, bilib din siya sa kondisyon ng magkakwarenta nang fighting senator. “Senator Pacquiao maintains a healthy lifestyle. He has no vices and he plays an average of five to six games of basketball almost every night,” litanya nito.

Sa umaga ay tumatakbo ng 10 ikot si Pacquiao sa track oval ng Antonio C. Acharon Memorial Sports Complex at pagsapit naman ng hapon ay ang mitss, heavy bag, double-end bag at speed bag naman ang pagdidiskitahan niya.

Ayon kay Pacquiao, magsisimula ang sparring sessions niya sa Hunyo. “I have tapped three sparring mates, two Filipino boxers and one foreigner,” ayon sa boksingero. (Ferdz Delos Santos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?