15
pnp
By

Training ng pulis, dapat ibalik sa PNP – Bato

Sharing is caring!

Hiniling ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na bumalangkas ng batas para maibalik sa kanila ang pagsasanay sa mga nagnanais na maging pulis.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ang pagsasanay sa mga magpupulis ay pinangangasiwaan ngayon ng Phliippine Public Safety College (PPSC).

Kaya iginiit ni Dela Rosa na mas matututukan nang husto ang attitude building o paghubog ng tamang disiplina o pag-uugali ng mga nais na maging alagad ng batas kung ang PNP ang magsasanay sa mga ito.

“Importante kasi sa mga magpupulis ang training na alam nilang tamang disiplina at pag-uugali sa kanilang pagseserbisyo, para may kaalaman sila sa kanilang tungkulin kung paano nila ito ipatutupad,” paliwanag ng chief PNP.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na may nakita siyang pagkukulang sa paraan ng pagresponde ng mga pulis Mandaluyong na sangkot sa misencounter kamakailan dahil lamang sa maling akala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?