16

Oct 27, 2020 @ 12:37
By

Training ng Gilas kasado na

GO signal na lang ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hinihintay ay ikakasa na ng Gilas Pilipinas ang kanilang bubble training sa Calamba, Laguna.

Sa report, ayon na rin kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) assistant to the President Ryan Gregorio, kumpas na lang ng IATF ang kanilang inaabangan kung saan oras na payagan silang makapaglaro ay agad na nilang isasalang ang kanilang mga manlalaro sa swab testing.

Ang target na training ng Gilas sa darating na Nobyembre ay bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?