3,116

By

Training ng 1K snipers, sharpshooters ipinag-utos ni Duterte

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magsanay ng snipers at sharpshooters para magamit sa mga namemerwisyo sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na maraming sundalo at pulis ang namamatay dahil sa kagagawan ng mga sindikato ng droga, New People’s Army at mga bandidong Abu Sayyaf.

Kailangan aniyang magbago ng polisiya at itaas ang antas ng pakikipaglaban sa mga masasamang elemento sa bansa.

“I ordered the training of 1,000 sharpshooter, snipers. Patay tayo eh kung hindi tayo mag-change ng policy. You have to raise the higher…pag nagkakarga, nakahawak ng baril, huwag mo nang palapitin, targetin mo na,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na kapag nahuli ng mga rebelde ang isang sundalo ay binababoy ang mga ito bago patayin kaya mas mabuting unahan na ang mga ito.

Hindi rin naitago ng Presidente ang matinding galit sa mga terorista sa Mindanao matapos mapatay ang ilang sundalo sa kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

Sinabi ng Presidente na hindi niya hahayaang maubos ang mga sundalo kaya uupakan niya ang mga ito at gagamitin ang lahat ng armas para madurog ang mga ito.

“Iyong ISIS, kayo rin ang humingi. Uupakan ko talaga kayo. Gagamitin ko lahat,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna rito iniutos ng Presidente noong Lunes ang pagtugis at pagdurog sa mga bandidong Abu Sayyaf matapos ang malagim na pagpapasabog sa Jolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?