114

Dec 22, 2018 @ 20:04
By

Training itutuloy ni Pacquiao sa Tate

Matapos ang dalawang taon, balik training camp sa Amerika si eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) para sa nalalapit nitong laban kontra Amerikanong boksingero na si Adrien “The Problem” Broner (33-3-1, 24 KOs).

Nakatakdang dumating si Pacquiao at ang kanyang team sa Amerika bandang 6:15pm Sabado (Linggo sa Pilipinas) sa LAX Tom Bradley International Terminal.

Matapos ang 40th birthday celebration ni Pacquiao noong nakaraang linggo tila sinagad muna nito ang kasiyahan bago bumanat ng training at ensayo para sa kanyang laban.

Ngayon tutungo na muli si Pacman sa Wild Card Gym at dito na magsisimula ang kanyang intensive workout routine para paghandaan ang kanyang pagdepensa sa kanyang korona.

Sa 24 ng Disyembre ang simula ng training camp ni Pacquiao at nangako itong hindi hahayaan na maisahan siya ni Broner sa kanilang laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?