221

Nov 7, 2017 @ 17:26
By

Training aircraft bumagsak sa Aurora

Isang training aircraft ang bumagsak sa kabundukan ng Pantabang, Aurora kaninang tanghali.

Sa inisyal na report, sinabi ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na 12:30 ng tanghali nang namonitor ng CAAP Rescue and Coordinating Council na bumagsak ang Cessna 152 type ng eroplano sa Aurora.

Sakay nito ang pilot instructor at student pilot nung lumipat mula sa Lingayen airstrip kaninang alas 10:02 ng umaga.

Tumanggi pa ang CAAP na isapubliko ang nagmamay-ari ng training aircraft at hindi pa rin muna pinangalanan ang piloto at estudyante.

Sa ngayon, naglunsad na ng rescue operation ang 84th Infantry Batallion ng Philippine Army at nagpalipad na rin ng Super Huey II type ang Philippien Air Fore Rescue (Angel 122) para hanapin ang bumagsak na eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?