101

Dec 14, 2017 @ 11:27

TRAIN tax bill niratipikahan na sa Senado, Kamara

Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, pinagtibay sa Senado at Kamara ang bicameral conferece committee ang report sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill na naglalayong tanggalin ang income tax subalit itinaas naman ang buwis sa gasolina, kotse, mining, coal, at tobacco.

Dadalhin na ito sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para lagdaan at maging isang ganap nang batas. Kapag nalagdaan na, ipatutupad na ito umpisa Enero 1, 2018.

Sa Kamara, walang nagkuwesityon bago ang ratipikasyon nito at natapos lamang sa loob ng isang minuto.

Sinubukan ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio ba mag-object dahil sa kawalan ng quorum subalit hindi siya pinakinggan ni House Deputy Speaker Raneo Abu.

Sa Senado, kumontra sina Sens. Panfilo Lacson at Paolo Benigno Aquino IV para sa ratipikahan ang pinal na bersiyon ng panukala subalit sa bandang huli naaprubahan din ito sa botong 16-4.

Ang mga tumutol sa panukala ay sina Lacson , Aquino, Risa Hontiveros, and Antonio Trillanes IV voted no.

Napagkasunduan sa bicam na magdadagdaga ng excise tax sa coal o uling mula P10 hanggang P50 sa 2018, P100 sa 2019, at P150 sa 2020.

Sa income tax, nagkasundo ang mga mambabatas na i-exempt ang mga kumikita ng P250,000 kada taon. Ibig sabihin nito, ang mga sumusuweldo ng P21,000 kada buwan ay hindi na magbabayad na buwis.

Para mapunan ang pagkawala ng kitang ito, nagdesisyon ang Kongreso na dagdagan ang buwis sa gasoline, diesel, at liquefied petroleum gas (LPG.

Magpapataw din ng buwis na P6 per liter sa mga inuming may asukal at articial sweeteners at P12 naman sa high fructose corn syrup. Tax-exempt naman ang gatas at instant coffee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?