43

By

TRAIN Law tatalakayin ni Duterte sa kanyang SONA

Sharing is caring!

Epekto ng Train law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang isa sa mga lalamanin ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Inihayag ito ni Special Assistant to the President secretary Bong Go, sa harap ng ginagawang paghahanda sa SONA ng Presidente.

Ayon sa kalihim, batid ng gobyerno na ang nararanasang mataas na presyo sa mga pangunahing bilihin ang isa sa epekto ng Train law kaya isa ito sa mga tatalakayin ng Presidente.

Ilalatag din aniya ng Pangulo sa taongbayan ang mga plano ng administrasyon sa hinaharap at mahalagang malaman ng publiko ang mga gagawing aksiyon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng bansa.

Aminado si Secretary Go na nananatiling hamon sa Duterte administration ang probema sa kriminalidad kayat maririnig mismo ng publiko kay Pangulong Duterte sa SONA kung paano nito tutugunan ang patuloy na paglaganap ng krimen sa bansa.

“Siguro gustong marinig ng mga mamamayan, hindi lang iyong accomplishment for the past two years, but iyong plano at papaano i-address iyong problema sa inflation at iba pang kasalukuyang hinaharap natin sa kriminalidad. Iyon naman ang gustong marinig ng publiko – ano iyong magiging plano ng ating gobyerno,” ani Go.

Kasabay nito sinabi ng kalihim na hindi pa siguradong tatagal lamang ng 35 minuto ang SONA ng Pangulo sa July 23 dahil kilala aniya ang Presidente na tuloy-tuloy magsalita lalo na kapag may naalalang bagay na gusto nitong sabihin.

“Sabi niya—hopefully mga about 35 minutes, hindi ito official, I am not authorized to speak on behalf of the President. Kaya ulitin ko lang. Pero usually naman nagbabasa ang ating Pangulo at siya na mismo ang nagdadagdag at meron siyang gustong mga sabihin at maalala ay extemporaneous na niyang sinasabi. This means, he will make the most of his time stressing on really pressing matters and concerns. Alam n’yo naman talaga ganoon magsalita ang Pangulo. Sabi nga niya kung mga about 35 minutes or more,” dagdag pa ni Go. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?