131

Dec 21, 2017 @ 15:10
By

TRAIN law suportado ng DOH

Umani ng suporta sa Department of Health (DOH) ang kalalagda pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na batas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sinusuportahan ng TRAIN law ang programa ng DOH na malusog na pangangatawan at maiwasan ang hindi nakakahawang sakit gaya ng diabetes at hypertension.

Paliwanag ng kalihim, ang TRAIN law ay regalo umano ng Pangulo sa publiko para makaiwas sa mga sakit dahil tinataasan nito ang buwis sa sigarilyo at softdrinks na kadalasang pinagmumulan ng sakit ng mga Filipino.

Giit ng kalihim, na ang makukuhang pondo ng naturang batas ay mapupunta sa pagsusubsidiya sa national gov’t health care reform agenda na magbibigay ng universal health care sa mga Filipino. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?