garyalejano
By

TRAIN Law, pinarerepaso ni Alejano

Sharing is caring!

Hiniling ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano sa Kamara na isailalim sa agarang review ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Inihain ni Alejano ang House Resolution 1838 na naglalayong alamin ang epekto ng TRAIN Law sa pamumuhay ng mga Pilipino lalo na sa mahihirap na pumapasan ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Gustong malaman ng kongresista kung kailangan pang ipagpatuloy ang implementasyon ng nasabing batas o dapat na itong suspendihin ng Kongreso.

“It is the poor that is hard-hit in these increases. This is contrary to what the Duterte administration promised and projected. The common Filipino now suffers under the weight of the new TRAIN Law. And it has only been four months since the law took effect, yet we see the results to be totally inimical to its objectives,” sabi ni Alejano.

Ayon sa kongresista, ang 4.5% na inflation rate o pagtaas sa presyo ng bilihin at singil sa serbisyo ay tiyak na bibigat pa sa mga darating na buwan kaya kailangang agapan ito.

Kailangan rin anyang pag-aralan ng Kongreso ang mga posibleng intervention na pwedeng pagkunan ng pondo ng gobyerno sakaling isantabi ang TRAIN.

“Nakikita naman natin ngayon, 4.5% na ang inflation rate at 99% ng mga Pilipino ang apektado. Yung mga mayayaman, yung nasa 1% hindi apektado. There were also reports that inflation rate would continue to increase up to 6% in the following months, contrary to the initial assurance of the Duterte administration,” ani Alejano.

“Parang nabundol ng rumaragasang tren ang ating mga kababayan. Alam naman natin kung gaano kahalaga ang piso lalo na sa mahihirap. Kung ganito sa unang tatlong buwan, ano pa ang aasahan natin sa mga susunod na taon?” dagdag ng kongresista.

Binanggit ni Alejano na mahigit P100 billion lamang ang target na makolekta sa TRAIN kada taon pero may unused appropriations ang gobyerno na halos P600 bilyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?