111
Train-Law
Jan 5, 2018 @ 10:38
By

TRAIN Law, magpapalusog sa mga Pilipino

Makatutulong umano ng malaki sa mga Pilipino ang TRAIN Law para maging malusog ang pangangatawan.

Paliwanag ni Una ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr., dahil tataas ang presyo ng softdrinks at sigarilyo ay mababawasan ang kokonsumo ng mga ito.

Sabi ni Belaro, kapag tumaas ang presyo ng matatamis na inumin ay madi-disourage ang maraming pamilya na uminom nito at mas pipiliin ang healthy lifestyle.

Mababawasan naman anya ang nagkakasakit ng cancer, hypertension at iba pang respiratory diseases dulot ng paninigarilyo dahil rin sa mahal na presyo.

Iginiit rin ng kongresista na pro-poor ang beverage tax.

“The fact and reality is the beverage tax is pro-poor because it will promote better health for Filipinos and will fund social services of the government,” ani Belaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?