77

By

Trailer ng ‘Wonder Woman 1984’ inilabas na

Inilabas na ng Warner Bros. Pictures ang trailer ng bagong “Wonder Woman” movie.

Fast forward sa 1980s ang bagong “Wonder Woman” movie na pagbibidahan pa rin ni Israeli actress Gal Gadot.

Dalawang bagong kalaban ang haharapin niya sa “Wonder Woman 1984” na sina Max Lord at The Cheetah.

Follow up ito sa record-breaking “Wonder Woman” ng DC Super Hero noong 2017 na kumita ng $822 million sa worldwide box office.

Nakatakdang ipalabas ang “Wonder Woman 1984” sa June 5, 2020.

Panoorin dito ang trailer:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?