17

May 18, 2021 @ 18:03
By

Trailer ng ‘Hotel Transylvania’ 4 inilabas na

Naglabas ng trailer ang Sony Pictures Entertainment para sa huling “Hotel Transylvania” movie.

Sa trailer ng “Hotel Transylvania: Transformania”, sa kagustuhan ni Johnny – na isang tao – na maging parte ng pamilya ng asawang si Mavis, anak ni Dracula, pumayag siyang mag-transform bilang monster sa pamamagitan ng Monsterfication Ray invention ni Van Helsing.

Ngunit hindi lamang siya ang nag-transform, ang mga monster naman sa hotel ang naging tao.

Nakatakdang ipalabas ang “Hotel Transylvania: Transformania” sa July 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?