17

Jan 26, 2021 @ 19:38
By

Trailer ng bakbakang Godzilla vs Kong inilabas na

Inilabas na ng Warber Bros. Pictures ang opisyal na trailer ng “Godzilla vs. Kong” sa YouTube kanina.

“In theaters and streaming exclusively on @HBOMax* March 26,” saad nila sa caption ng video.

Ayon sa ulat, bahagi ang naturang pelikula ng “Monsterverse” ng Legendary Entertainment at sequel sa pelikulang “Kong: Skull Island” noong 2017.

Nakatakdang ipalabas ang “Godzilla vs. Kong” sa piling sinehan sa Marso 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?