33

Oct 19, 2021 @ 15:52
By

Trail Blazers lalapit sa Pinoy fans

Batid ng Portland Trail Blazers na sobrang sikat ng basketball, partikular ang NBA, sa Pilipinas kaya naman sa darating na season ay may espesyal silang handog sa mga Pinoy Blazers fans.

Ayon sa kanilang social media post, maglalabas ang koponan ng bago at lokal na kontent na sasadyain para sa Pinoy fans sa pagsisimula ng 2021-2022 season sa Miyerkoles.

“Simula ngayong bagong NBA Season, mas maraming lokal na content ang makikita ninyo sa aming official social media pages. At sa Oct. 21, may ibibigay kaming mga premyo sa iilang maseswerteng Filipino Blazers fans!” saad sa post ng Blazers.

Mismong mga Blazers players, sa pangunguna ng kanilang star player na si Damian Lillard, ang nagsalita sa kanilang promotional video para imbitahan ang mga Pinoy fans.

Matatandaang nag-donate si Lillard nitong Mayo ng P1 milyon nang masunog ang isang bahagi ng Philippine General Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?