175
Traffic rerouting para sa SONA ni Duterte inilabas
Jul 17, 2019 @ 18:00
By

Traffic rerouting para sa SONA ni Duterte inilabas

Magpapatupad ng “road closures” at “traffic rerouting scheme” ang Quezon City Police District (QCPD) sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa Complex sa Hulyo 22.

Mga foreigner bawal sumali sa SONA rally

Sinabi ni QCPD Director P/BGen. Joselito Esquivel Jr., inaasahan na nilang magkakaroon ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar partikular na sa mga kalsadang papasok at lalabas ng Batasan Pambansa Complex kaya pinapayuhan ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong ruta kung hindi talaga maiiwasang bumiyahe sa naturang lugar.

Sereno makikiisa sa anti-Duterte SONA protest

Sa inilabas na traffic advisory ng QCPD, pagsapit ng 12:01 ng hatinggabi ng Hulyo 22, hindi na maaaring daanan at pagparadahan ang magkabilang linya ng kahabaan ng Commonwealth Avenue (north at southbound) mula Quezon Memorial Circle (QMC)/Philcoa hanggang sa Fairview (Fairview Center Mall), kaya’t lahat ng mga sasakyang iligal na nakaparada ay ito-tow.

Aquino hindi dadalo sa SONA ni Duterte

Isasara rin ang bahagi ng Commonwealth Avenue (northbound) mula sa Home Depot hanggang sa Sandiganbayan U-turn slot habang mananatili namang bukas ang southbound lane nito.

CHR naghihintay ng imbitasyon sa SONA

Ang eastbound naman ng IBP, simula sa Filinvest 1 hanggang Sinagtala ay isasarado rin sa daloy ng trapiko upang bigyang-daan ang mga raliyista.

2019 SONA ni Duterte, maiksi lang – Palasyo

Pagsapit naman ng 2:30 ng hapon, ang mga light vehicle mula sa QMC patungong Fairview ay pinapayuhang dumaan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, kaliwa sa Chestnut St., kanan sa Dahlia St., kaliwa sa Fairlane St., labas sa Commonwealth Ave. hanggang sa kanilang destinasyon, habang ang mga heavy vehicle naman ay dapat na dumaan sa Commonwealth Avenue.

Ang mga maliliit na sasakyan naman mula sa Fairview patungong QMC ay maaaring kumanan sa Fairlane St., kanan sa Dahlia St., kaliwa sa Chestnut St., kanan sa Old Sauyo Road, kanan sa Mindanao Ave., U-turn sa kanto ng Quirino Highway hanggang Mindanao Ave., kaliwa sa North Ave., patungong QMC hanggang sa kanilang point of destination habang ang mga heavy vehicle naman ay dapat na dumaan sa Commonwealth Avenue.

Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, ang buong kahabaan ng IBP Road ay maaaring isarado na sa daloy ng trapiko at kapag isinagawa ito, ang lahat ng maliliit na sasakyan ay dapat na dumaan sa alternatibong ruta mula QMC hanggang Filinvest 1 & 2, Brgy. Bagong Silangan at ilang inner portion ng Brgy. Batasan Hills.

Matapos naman ang SONA, pagsapit ng alas-sais ng gabi, tanging bubuksan ang westbound lane ng IBP Road patungong Sandiganbayan underpass/tunnel para sa mga umaalis na VIPs palabas mula sa Southgate House of Representative (HOR) patungong Commonwealth Ave., ngunit mananatiling sarado ang westbound lane mula Litex hanggang sa HOR Southgate, hanggang wala pang paabisong buksan na ito.

Kaugnay nito, umaapela naman si Esquivel sa mga motorista na maaapektuhan ng road closures at traffic rerouting scheme ng pasensiya at pang-unawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?