67

By

Traffic enforcers na ‘di manghuhuli ng lasing na driver, masisibak

Inaprubahan ng House committee on transportation ang panukalang naglalayong taasan ang parusa para sa mga nagmamaneho ng lasing at naka-droga.

Aamyendahan ng House Bill No. 5 ang Republic Act 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Nakapaloob sa bill ang probisyon na pananagutin sa pamamagitan nang pagsibak ang law enforcement officer (LOE) na mabibigong ipatupad ang itinatakda ng batas.

Kabilang dito ang hindi pagdala sa driver sa istasyon ng pulisya para ikulong o makasuhan.

“The failure of the concerned officer to bring the driver to the police station for detention or file the appropriate complaint under this Act within a reasonable period of time will be punishable by removal from office or dismissal from service,” ayon kay transportation committee chairman Cesar Sarmiento.

Isinama rin sa probisyon ang custodial investigation kung saan ipapailalim muna sa kustodiya ng pulisya ang driver hanggang sa matukoy kung dapat itong kasuhan, para matiyak na hindi muna ito magmamaneho habang nasa impluwensya ng alak o iligal na droga.

Suportado ng Highway Patrol Group ang mga amyenda habang may reservations naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpaparusa sa LOEs.

Katuwiran nila, bukod sa kulang ang breath analyzers para suriin ang blood alcohol level ng drivers, baka matakot na anila ang mga traffic enforcer na humawak ng responsibilidad na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?