31

Jul 31, 2021 @ 11:40
By

Traffic enforcer tinumba ng tandem

Patay sa pamamaril ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang isang traffic enforcer sa Santa Maria, Bulacan kahapon, July 30.

Sa State of the Nation report, ipinakita ang CCTV footage kung saan huminto ang mga suspek sa isang establisyimento sa Barangay Caypombo saka binaril ang biktimang si Mario Domingo.

Dineklarang dead on arrival sa ospital si Domingo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente pero naniniwala ang partner ng biktima na may kaugnayan ang krimen sa kaso ng tricycle driver na inaresto ni Domingo na pumanaw matapos atakihin sa puso.

“May nag-tip sa kanya daw, mayroon nagbabanta,” saad ng partner ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?