28

Aug 5, 2021 @ 12:51
By

Traffic enforcer na bagong laya, pinaliguan ng bala sa Bulacan, utas

Todas ang isang kalalaya lamang na traffic enforcer sa Sta. Maria Bulcan matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga suspek.

Kinilala ang biktima bilang si Mario Domingo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nangyari ang krimen alas-3 ng hapon habang nagpapahinga ang biktima sa harap ng isang shop nang biglang may huminto sa harap niya na magka-angkas atsaka ito pinagbabaril.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, 3 tama ng baril sa katawan ang ikinamatay ni Domingo.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na nito lamang Hulyo 13 nang makalaya mula sa kulungan ang traffic enforcer at agad ding nagtrabaho.

Kasalukuyan pang umaarangkada ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?