46

Jan 3, 2018 @ 10:09
By

Trader, tinaniman ng bala sa ulo

Isang lalaki ang napatay makaraang barilin nang malapitan ng isang hindi kilalang gunman habang ang biktima ay nanonood ng fireworks display sa kanilang lugar sa Brgy. Tumana, Sta. Maria, Bulacan, noong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jemuel Malipaonon, 54, may asawa, ng Sitio Macaiban, Brgy. Tumana, Sta. Maria, na namatay sa pook ng pamamaril bunga ng tama ng bala sa ulo habang tumakas ang armadong suspek nang matiyak na kaniyang napuruhan ang pakay.

Pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay naisipang lumabas ng kaniyang tinitirhan sa Brgy. Tumana ng nasabing bayan upang manood ng mga nagpapaputok at nagpapailaw nang bigla itong lapitan ng hindi kilalang suspek saka binaril sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek nang makitang duguang bumulagta ang pakay na biktima habang patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek at motibo ng nasabing pamamaslang. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?