10
mr-trabaho-joel-villanueva
By

Trabaho, Trabaho, Trabaho para sa Malayang Pilipino

Sharing is caring!

Ang pagdiriwang po ng Araw ng Kalayaan ay paalala sa pagbabagong pinaglaban ng ating mga bayani para makamtan ng mga Pilipino ang mas magandang kinabukasan.

Ika-120 taon na po mula nang ideklara ang kasarinlan ng bansa noong June 12, 1898 sa Kawit, Cavite.

Ngayon, hangad naman natin ang paglaya sa kahirapan ng halos 22-milyong Pilipinong namumuhay “below poverty line”.

Dapat ring pagtuunan ng pansin ang mga kababayan nating may trabaho subalit nananatiling mahirap o working poor.

Ang nakikita po nating sagot dito: maraming trabaho, magandang trabaho, matatag na trabaho.

Kaya’t nagagalak po tayo na bumaba sa 5.5% ang unemployment rate nitong Abril mula sa 5.7% noong Abril 2017.

Patunay po itong may trabahong nalilikha dahil sa Build, Build, Build Program na may layuning makapagbigay ng isang milyong trabaho hanggang 2019.

Dapat pong tapatan ng patuloy na skills upgrading ang pagdagsa ng mamumuhunan at pagyabong ng mga proyektong pang-imprastruktura sa bansa.

Kapag mas mataas ang kasanayan, mas madaling makakakuha ng magandang trabaho at mas mataas na sahod ang ating mga kababayan.

Hindi po kasi sapat ang P10,000 budget kada buwan ng ordinaryong pamilyang may limang miyembro.

Mahirap pong mabuhay nang marangal kung kakarampot ang sahod at kung hindi na ito makasabay sa pagtaas ng mga bilihan o implasyon na sumampa na sa 4.6% nito lang pong Mayo.

Sa ngayon, pinag-aaralan po natin ang mga panukalang itaas ang sweldo ng mga manggagawa.

Kasabay nito, nananawagan tayo sa gobyerno, partikular sa DTI, na magbantay para maiwasan ang pang-aabuso sa pagpataw ng dagdag na presyo sa mga pangunahing bilihin.

Ang magandang balita, ngayon pong Independence Day, sabay-sabay pong gaganapin ang 21 job fair sa buong Pilipinas. Aabot po sa halos 125,000 job vacancies ang iaalok sa pribado at pampublikong sektor.

Sa mga local jobs, pinakamataas po ang demand sa Production Machine Operator, Construction Worker, at Customer Service Representative.

Sa ibang bansa lalo na po sa Saudi Arabia, UAE atQatar, mataas po ang job order sa mga posisyong tulad ng Hotel Worker, Nurse at Engineer.

Dinadakila po natin ang mga bayaning Pilipino nagbuwis ng buhay alang-alang sa ating kasarinlan.

Ngayon, ang ating mga manggagawa, lalo na po ang mga OFW na tinuturing nating bagong bayani, ang nag-aalay naman ng kanilang lakas at talino para patuloy na gumulong ang ating ekonomiya at makalaya sa kahirapan ang ating bansa.

Trabaho, trabaho, trabaho po ang ating armas para palayain sa kahirapan ang mga Pilipino, palakasin ang ating ekonomiya at palawakin ang choices ng ating mga kababayan.

Naniniwala po tayong ang bawat Pilipino’y dapat may kalayaang pumili kung gugustuhin n’yang magtrabaho dito sa loob ng bansa sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay, may sariling tahanan, may sapat na pagkain sa mesa at may asensadong pamumuhay.

Maligayang Araw ng Kalayaan po sa ating lahat! Mabuhay ang Pilipino!

June 12 Araw Ng Kalayaan Job Fair Schedule

NCR: Senior Citizen’s Garden, Rizal Park, Manila

CAR: Porta Vaga Mall Veranda, Baguio City

Region 1: Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic

Center, Candon City, Ilocos Sur; Pacoy Ortega

Gymnasium, San Fernando City, La Union

Region 2: Tuguegarao People’s Gym, Tuguegarao City, Cagayan

Region 3: Metro Town Mall, Tarlac City

Region 4A: Freedom Park, Kaingen, Kawit, Cavite; Sunstar Mall, Sta. Cruz, Laguna

MIMAROPA: Marinduque Convention Center, Boac, Marinduque

Region 5: Ayala Mall, Legazpi City, Albay

Region 6: 888 China Town Square, Bacolod City

Region 7: Negros Oriental Convention Center; Cebu

City Sports Complex

Region 8: Provincial Covered Court, Catbalogan

City, Samar (June 15)

Region 9: KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins

Ave. Zamboanga City; Zamboanga del Norte

Cultural Convention and Sports Center, Gen. Luna St., Dipolog City

Region 10: Mindanao State University – Iligan Institute of Technolgy Gymnasium, Iligan City,
Lanao del Norte

Region 11: Davao City Recreation Center (Almendras Gym), Talomo, Davao City

Region 12: KCC Mall Convention Center, General Santos City

CARAGA: Provincial Capitol Training Center, Provincial Capitol Bldg., Butuan City (June 15)

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?