136

Oct 29, 2017 @ 16:36

Trabaho sa PH dumarami – BSP

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na dumami ang bilang ng mga Filipino na nagka-trabaho noong nakaraang Abril.

Base sa resulta ng Labor Force Survey noong Abril, umabot sa 40.3 milyon ang may trabaho sa bansa.

Ito ay pagpapakita ng 2.4 porsiyentong paglago kumpara sa 39.3 milyon naitala noong buwan ng Enero.

Ayon sa BSP, dumami ang nabigyan ng trabaho sa sektor ng industriya at agrikultura, ngunit bahagyang nabawasan sa sektor ng serbisyo.

Samantala, ang bilang ng walang trabaho ay bumaba ng 11.5 porsiyento o 2.4 milyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?