50

Mar 13, 2020 @ 20:19
By

Trabaho sa Kamara suspendido na rin

Ipapatupad na rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang work suspension mula Marso 16 hanggang Abril 12, 2020.

Ayon ito sa ipinalabas na pahayag ni Atty. Jose Luis Montales, Secretary General ng kapulungan.

Ayon sa pahayag, ipinasya ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipatupad ang work schedule na kahalintulad sa ipinatupad ng Executive Department kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ligtas na kalusugan ng mga empleyado ng Kamara.

Ang Office of the Sergeant at Arms – Legislative Security Bureau, Finance Department, Engineering and Physical Facilities Department, at Information Communications Technology Service ay magpapatupad ng rotating skeletal workforce sa panahong umiiral ang work suspension.

Habang ang nasa rotating skeletal workforce ay papayagang magtrabaho sa bahay na lamang ngunit kailangan magsumite ng ‘assigned outputs’ gamit ang telecommunication at online technologies.

Upang masiguro ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko, lahat ng empleyado ay
‘on-call’ at maaaring obligahing mag-report sa opisina upang gawin ang kanilang trabaho.

Samantala, ang committee hearings, briefings at conferences ay maaaring isagawa sa Kamara upang tugunan ang pagkalat ng COVID-19. Ngunit kailangang mahigpit na pairalin ang ‘social distancing’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?