18

Dec 2, 2021 @ 16:12
By

Trabaho kanselado dahil sa baha sa Northern Samar

Nagsuspinde ng pasok sa trabaho ang bayan ng Lope de Vega sa Northern Samar, dahil sa pagbaha, ayon sa ulat ng DZRH.

Tumaas ang tubig sa ilog na dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa ilang lugar dahil sa bagyong Odette.

Hindi pa umano inilikas ang mga residente ngunit pinaghahanda naman sa posibleng paglikas ang mga nasa barangay Osmeña, Sampaguita, San Francisco, San Jose, at San Miguel.

Inabisuhan din na mag-ingat ang ilang karatig na barangay.

Wala namang naitalang namatay dahil sa pagbaha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?