By

Trabaho ‘di sigurado sa HS grads – DepEd

Sharing is caring!

Aminado ang Department of Education (DepEd) na walang kasiguruhan na agad makakapagtrabaho ang unang batch ng senior high school graduates.

Ngunit agad nilinaw ng kagawaran na ito ay hindi dahil sa hindi pa handa ang graduates kundi dahil sa reyalidad sa sektor ng paggawa.

Sinabi ni Education Asec. Nepomuceno Malaluan, dapat maintindihan din ito ng mga estudyante na mas pipiliin na maghanap na ng trabaho sa halip na kumuha at magtapos ng kurso sa kolehiyo.

Aniya, hindi rin dapat na umasa ang senior high school graduates na makakakuha sila ng trabaho base sa mga itinuro sa kanila sa karagdagang dalawang taon sa basic education.

Una nang inihayag ng DepEd na marami pa ring kompaniya ang hindi handa na tumanggap ng mga Grade 12 graduates.

Ngayong taon ay may 1.4 milyong senior high school students ang ga-graduate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?