181

Nov 7, 2017 @ 16:04
By

Trabahador inutas sa punerarya

Patay ang isang boy na nagtatrabaho sa isang funeral parlor matapos na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nasa loob ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ganap umanong alas- 3:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng pinagtatrabahuhan ng biktimang si Benjamin Buyones, 23-anyos, binata at kasalukuyang stay-in sa San Martin De Porres Funeral Service na matatagpuan sa D. Arellano St., Barangay 133, ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong abala ang biktima sa kanyang trabaho nang bigla na lamang na pumasok ang hindi pa nakikilalang suspek na lalaki at walang ano-anong binaril sa ulo si Buyones na agaran nitong ikinasawi.

Agad na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa batid na direksiyon at sa ngayon ay palaisipan pa kung ano ang posibleng motibo nito sa pagpatay sa biktima dahil kilala umano sa kanilang lugar na tahimik at mabait ang napatay. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?