inuman

Trabahador inutas sa inuman

Sharing is caring!

Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakikipag – inuman sa Caloocan City kagabi.

Sa ulat ni P/C Insp. Ilustre Mendoza, ng Caloocan City Police, alas-nuwebe ng gabi naganap ang insidente sa tapat ng pinagtatrabahuhan ng biktimang si Jonathan Bautista, 33, stay-in trabahador ng DVE Muffler Shop na matatagpuan sa kanto ng 8th Street at 9th Street, 10th Avenue, Barangay 93 ng nasabing lungsod.

Nakikipag-inuman sa kanyang katrabahong si Richard Sabangan ang biktima na may halos kalahating araw na rin nang mag-umpisa, nang utusan niya itong bumili ng wine.

Naghanap umano ng wine sa buong 8th Avenue si Sabangan ngunit nang wala siyang makita ay nagpasyang bumalik na lang sa muffler shop.

Pagdating niya ay doon na niya nakita ang biktima na nakabulagta na at naghihingalo kung saan nakita niya rin ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nagmamadaling tumakas sakay ng motosiklo at may kutsilyong duguan na tabi ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hindi bababa sa 11 saksak sa katawan ang tinamo ng biktima. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?