220

Aug 30, 2019 @ 19:27
By

Toyota bawal ‘pag Lunes: Car brand coding minungkahi sa MMDA

Posibleng ibase sa branding ng mga kotse ang coding ng mga sasakyan na dumadaan sa Edsa, base sa suhestiyon ng isang opisyal noong nanunugkulan pa si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Ariston Gorospe, dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) consultant, ay minungkahi ang pagbase na rin ng coding mga sasakyan base sa kanilang brands.

Sa proposed coding scheme, ipagbabawal ang Toyota tuwing Lunes; Mitsubishi, Hyundai at Isuzu tuwing Martes; Nissan, Ford at Foton tuwing Miyerkoles; Honda, Chevrolet, Mazda at Subaru tuwing Huwebes; Suzuki, Kia, Volkswagen at Mercedes-Benz kada Biyernes; JAC, Tata, Audi at BAIC kapag Sabado at Mini and Lotus, Volvo, SsangYong at iba pa tuwing Linggo.

Exception naman ang mga ambulansya, fire truck, police car, military vehicle, cargo truck, sasakyan mula Department of Tourism, sasakyang may diplomatic plate, mga government vehicle at truck na in-accredit ng MMDA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?