8
Motorsiklo
By

‘Toy gun motornapper’ timbog

Sharing is caring!

Naresolba na ng Makati City Police ang insidente ng pang-aagaw ng motorsiklo sa Barangay Rizal noong nakaraang Enero 7.

Nahuli alas-5:30 ng hapon ng Biyernes ang suspek na si Renel Lambas, 31, habang nakikipagsugal kina Cesar Peregrina, 41, at Darwin Torreno, 38, sa Target Range St., sa Barangay Pembo.

Nang dalhin ang tatlo sa istasyon ng pulisya, nadiskubre na si Lambas ang tumangay ng isang motorsiklo sa Amarillo St., Barangay Rizal matapos tutukan ng baril ang biktima alas-2:45 ng hapon noong Enero 7.

Narekober na ng mga pulis ang baril-barilan na ginamit ni Lambas sa naunang krimen na kinasangkutan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?